WiFi5 Lite: Bakit Mas Nagustuhan Ko ang Lite Version?

After trying the WiFi5 Lite system, masasabi kong marami akong nagustuhan sa version na ito, especially when it comes to power consumption, reliability, and network management.

Para sa mga gumagamit ng Piso WiFi or vendo system, malaking bagay ang mga improvements na ito. Here's my personal experience and some observations so far.

Mga Nagustuhan Ko sa WiFi5 Lite

1. Dual ISP Made Easy

Isa ito sa pinaka-nagustuhan ko sa Lite version. Hindi na kailangan ng additional router para mag-setup ng Multi-WAN configuration. Nasa loob na mismo ng system ang Dual ISP feature.

Mas simple ang setup, less hardware, at mas madaling i-manage ang internet connections.

2. Lower Electricity Consumption

Isa rin sa malaking advantage nito ay ang mas mababang power consumption compared sa paggamit ng Mini PC.

Sa panahon ngayon na mahalaga ang pagtitipid sa kuryente, malaking advantage ito, especially kung 24/7 naka-on ang Piso WiFi system.

3. No Fan Needed, Built for Heat

Hindi na kailangan ng cooling fan, which means less moving parts and less maintenance.

So far, okay naman ang performance kahit sa mainit na environment. Isa itong magandang advantage para sa mga installation na exposed sa init.

4. No More SD Card Corruption Issues

Isa ito sa pinaka-importanteng improvements para sa akin.

Sa mga lugar na madalas magkaroon ng brownout, malaking problema talaga ang SD card corruption. Ilang beses na rin itong naging sakit ng ulo sa mga dating setup.

With WiFi5 Lite, hindi na SD card ang pangunahing storage concern, kaya mas kampante ako pagdating sa power interruptions.

Common Issue Encountered

May isang issue akong napansin habang ginagamit ang system:

Cloud Database Disconnect Issue


Kapag naka-enable ang Cloud Database, madalas mag-disconnect ang client tuwing nagaganap ang cloud sync.

Ang mas inconvenient pa, kailangan pang bumalik ng client sa captive portal at i-click ulit ang CONNECT button para makapag-internet.

Hindi ito magandang experience para sa mga customers.

My Temporary Solution

Ang ginawa ko ay simple lang:

Disable the Cloud Database.

After disabling it, naging mas stable ang connection sa observation ko.

- Kahit i-off ng client ang WiFi sa cellphone at i-on ulit, connected pa rin.
- Kahit pansamantalang mawala ang signal ng vendo, hindi na kailangang mag-sign in ulit.
- Hindi na kailangang bumalik sa portal para pindutin ang CONNECT button.

For now, mas preferred ko ang ganitong configuration.

More Storage: My Next Upgrade

Under observation pa rin ako kung ilang buwan bago mapuno ang root disk dahil sa accumulated data.

For now, manual sync muna ang plano ko instead of relying on automatic cloud synchronization.

I'm also planning to buy a router with bigger storage capacity para mas magkaroon ng allowance sa data storage.

Excited akong makita kung gaano ka-stable ang system in the long run!

Final Thoughts

Overall, happy ako sa WiFi5 Lite. Simple, power-efficient, less hardware requirements, at may built-in Dual ISP na malaking tulong sa network setup.

May ilang issues pa akong ino-observe, particularly sa Cloud Database synchronization, pero so far, promising ang experience ko.

Hopefully, mas marami pang improvements at updates ang dumating sa future versions.

Credits and appreciation to Jonas Oliveros and Jay Olive for developing this system. Salute sa inyong effort and contribution! 🥰

Disclaimer: This is based on my personal experience and current testing. Some observations, especially storage capacity and long-term reliability, are still under evaluation.

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Previous Post Next Post